^

Probinsiya

Tandem na karnaper tiklo sa tanod

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Dalawang notoryus na umano’y mga karnaper ang naaresto ng pulisya matapos na tangkaing magbenta muli ng kanilang kinarnap na motorsiklo sa isang barangay tanod na tinangka pang saksakin habang nagtatalo sa Brgy.Tambubong, San Rafael, Bulacan kahapon.

Ang mga suspek ay sina Roldan Muñoz, 35, ng Brgy. Bagong Nayon at Dennis Lontoc, 52, ng Brgy. Poblacion, pawang sa bayan ng Baliwag. Nakumpiska rin sa kanila ang ilang sachet ng shabu at drug paraphernalias.

Sa ulat ni P/Supt. Reniel Valones, alas-2:00 ng hapon nang pumunta ang mga suspek sa bahay ng tanod na si Eduardo Cruz 45, ng Brgy. Tambubong upang ibenta ng murang halaga ang motorsiklong Motor Star (7063-CS ). Naghinala ang tanod at dito nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng mga suspek.

Bumunot umano ng kutsilyo at tinangkang saksakin ng isang suspek ang tanod ngunit mabilis silang napalo ng huli ng baton sa ulo na ikinabulagta nito at kaagad na dinala sa isang ospital.

Nadiskubre na carnap ang nasabing motorsiklo na pag-aari ni Irene Villangca, 39. Isa pang Honda Dash na motorsiklo ang kinarnap din ng mga suspek,  may tatlong araw na ang nakakalipas.

vuukle comment

ANG

BAGONG NAYON

BRGY

DENNIS LONTOC

EDUARDO CRUZ

HONDA DASH

IRENE VILLANGCA

MOTOR STAR

RENIEL VALONES

ROLDAN MU

SAN RAFAEL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with