^

Probinsiya

Jeep hulog sa bangin: 2 utas, 2 malubha

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Dalawang katao ang patay habang dalawa pa ang nasa malubhang kalagayan matapos mahulog ang kanilang sinasakyang jeepney sa isang malalim na bangin sa Sitio Impugong, Barangay Baculongan Sur, Buguias, Benguet kamakalawa. ?

Sa report kay Chief Insp. Fernando Botangen, hepe ng Buguias PNP; dead-on-the-spot ang driver ng jeepney (DGG-1105) na si Jay-ar Riquardo, tubong Tabuk City, Kalinga at pasahero na si Mariano Dominguez Sr. ng Loo, Buguias.?

Inoobserbahan naman sa Lutheran Hospital ang dalawa pang biktima na sina Jay-ar Bogao Calilao ng Conner Apayao at Myrna Dominguez, misis ng nasawing pasahero.?

Nabatid na isang pasahero na si Jojo Dodong Brio­nes ng Cervantes, Ilocos Sur ay masuwerteng galos lamang ang tinamo.?

Lumalabas na nagkaroon ng mechanical trouble ang sasakyang minamaneho ni Riquardo sanhi upang mawalan ng kontrol at mahulog sa may 100 metrong bangin.

vuukle comment

ANG

BARANGAY BACULONGAN SUR

BOGAO CALILAO

BUGUIAS

CHIEF INSP

CONNER APAYAO

FERNANDO BOTANGEN

ILOCOS SUR

JOJO DODONG BRIO

LUTHERAN HOSPITAL

MARIANO DOMINGUEZ SR.

TUGUEGARAO CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with