^

Probinsiya

2 lola nilamon ng apoy BATANGAS

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Nilamon ng apoy ang dalawang lola makaraang makulong sa loob ng nasusunog nilang bahay sa Barangay Cahigam, bayan ng Rosario, Batangas kahapon ng madaling araw. Kinilala ang mga biktima na sina Librada Lucero, 82; at Aurea Balilia, 86, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Bandang alas-12:30 ng madaling araw ng magsimula ang sunog habang mahimbing na natutulog ang dalawang matanda. Nagmula ang apoy sa kusina  ng dalawang matanda na gawa sa kahoy na mabilis na kumalat at tumupok sa kanilang bahay. Pasado alauna y medya nang maideklara ng mga bumbero na fire out na ang sunog hanggang tumambad sa kanila ang bangkay ng dalawang matanda. Inaalam naman ng mga imbestigador ang pinagmulan ng apoy sa kusina ng mga lola. Arnell Ozaeta

 

vuukle comment

ANG

ARNELL OZAETA

AUREA BALILIA

BANDANG

BARANGAY CAHIGAM

BATANGAS

INAALAM

KINILALA

LIBRADA LUCERO

NAGMULA

NILAMON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with