^

Probinsiya

May-ari ng funeral parlor, itinumba

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Hindi na umabot ng Semana Santa ang may-ari ng funeral parlor matapos itong  ratratin ng dalawang di-kilalang lalaki sa bisinidad ng Barangay Kaypombo sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng umaga.

Labing-walong bala ng M-16 Armalite Rifle ang tumapos sa buhay ni Luis Del Rosario, 57, may-ari ng Louie Funeral Parlor at nakatira sa Barangay Sta. Cruz, bayan ng Angat, Bulacan.

Base sa ulat ni PO3 Jason Taniza, lumitaw na pansamantalang ipinarada ng biktima ang kanyang bagong SUV sa bisinidad ng Tibagan Street para suriin ang mga gulong nito.

Gayon pa man, kaagad na pumasok ng sasakyan ang biktima matapos tingnan ang mga gulong subalit lumapit at niratrat hanggang sa mapatay ang nasabing trader.

Mabilis na tumakas ang gunmen sakay ng isa ring SUV na walang plaka.

Narekober sa crime scene ang 18-basyo ng bala ng M-16 rifle, cal.45 pistol na pag-aari ng biktima at mga personal na gamit.

Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang sinasabing anggulong love triangle ang isa sa motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

ANG

ANGAT

ARMALITE RIFLE

BARANGAY KAYPOMBO

BARANGAY STA

BULACAN

JASON TANIZA

LOUIE FUNERAL PARLOR

LUIS DEL ROSARIO

SEMANA SANTA

TIBAGAN STREET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with