^

Probinsiya

‘Tulak’ utas sa shootout

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Nasawi ang lalaking sinasabing notoryus na tulak ng shabu matapos na kumasa ito sa mga elemento ng pulisya at pagkakaaresto ng isang babaeng kasabwat sa isinagawang drug bust operation habang isa pang lalaki ang unang nasakote sa nakalatag na checkpoint sa Brgy. Graceville,San Jose Del Monte City, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo at paa ang suspek na kinilala lamang sa alyas Amang Macapagal, ng Brgy. Graceville habang naaresto naman ang kasabwat nitong si Lourdes Capa 44 ng Brgy. Poblacion pawang sa bayang ito.

Kasalukuyan namang nakadetine ang unang naarestong suspek sa inilatag na checkpoint si Lorenzo Simbayon 30, trike driver at residente ng Brgy. San Isidro.

Base sa ulat ni P/Supt. Charlie Cabradilla dakong Alas 3:30 ng madaling araw ay nagsagawa ng Oplan Sita / Salubong-Madaanan ang kanyang mga tauhan sa isang lugar sa Brgy. Graceville nang biglang dumaan si Simbayon na nakasakay sa isang motorsiklo saka sinita dahilan sa kawalan ng helmet at habang sinisiyasat ay nakasamsam sa kanya ng ilang gramo ng shabu na ikinaaresto nito.

Sa isinagawang tactical interrogation kay Simbayon ay dito na ikinanta si alyas Amang at alyas Lourdes na pinanggalingan ng droga at naging dahilan upang ikasa ang drug bust operation laban sa kanila, gayunman habang bumibili ng isang sachet na shabu ang poseur buyer na pulis ay nakatunog si alyas Amang saka tinangkang lumaban na ikinasawi nito.

vuukle comment

AMANG MACAPAGAL

ANG

BRGY

CHARLIE CABRADILLA

GRACEVILLE

LORENZO SIMBAYON

LOURDES CAPA

OPLAN SITA

SAN ISIDRO

SAN JOSE DEL MONTE CITY

SIMBAYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with