^

Probinsiya

Biyuda, 2 anak natusta sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang biyuda at dalawa nitong anak na babae makaraang makulong ng apoy sa loob nang nasusunog nilang bahay sa pagtatapos ng ‘fire prevention month’ kahapon sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay.

Sa inisyal na ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, kasalukuyan pang ina­alam ang pangalan ng nasawing ginang at dalawa nitong babaeng paslit na anak.

Ang bangkay ng mga biktima ay halos hindi na makilala matapos magmistulang uling sa insidente.

Sa imbestigasyon, na­itala ang sunog sa Purok Amelita, Brgy. Ipil Heights, Ipil ng lalawigang ito dakong alas- 2:41 ng mada­ling araw.

Ang sunog na nagsimula sa tahanan ni Liezel Obida ay nakaapekto rin sa dalawa pa nitong  katabing bahay.

Mabilis namang nag­responde ang mga bumbero at naapula ang sunog bandang alas-4 ng mada­ling araw.

Ang tatlong sunog na mga bangkay ng mag-iina ay narekober ng mga bumbero sa tahanan ni Obida.

Samantalang tinataya namang aabot sa P1.1-M ang pinsala sa naganap na sunog.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BRGY

IPIL HEIGHTS

LIEZEL OBIDA

MABILIS

NBSP

OBIDA

POLICE REGIONAL OFFICE

PUROK AMELITA

ZAMBOANGA SIBUGAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with