4.7 magnitude na lindol tumama sa Bohol
MANILA, Philippines — Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang lalawigan ng Bohol ngayong Lunes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naitala ng Phivolcs ang sentro ng lindol sa walong kilometro timog-silangan ng Buenavista, Bohol ganap na 9:47 ng umaga.
May lalim na tatlong kilometro ang lindol na tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman ang Intensity 5 sa bayan ng San Miguel, habang Intensity 4 naman sa Lapu-Lapu City sa Cebu at sa Buenavista.
Intensity 3 ang naranasan sa Iloilo City, Bogo City sa Cebu, Tagbilaran City sa Bohol at Bacolod City, habang Intensity 1 sa President Roxas, Capiz.
Samantala, sinuspinde ni Cebu Governor Hilario Davide III ang pang-hapon na trabaho sa kapitolyo.
"Skeletal force to stay in office and [will] check buildings for possible damage," pahayag ng pamahalaang lokal.
Wala namang naiulat na nasaktan sa lindol, habang wala rin inaasahang aftershocks ang Phivolcs.
- Latest