^

Probinsiya

2 holdaper patay sa shootout

Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Bulagta ang dalawang notoryus na holdaper matapos itong makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa Imus City, Cavite kahapon ng umaga.

Base sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia, hinoldap ng dalawang di-kilalang lalaki ang sangay ng LBC remittance center sa Barangay Bucandala sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na nagkunwaring customer ang dalawang di-kilalang lalaki saka tinutukan ng baril ang isa sa kawani ng LBC na si Janela Aquino.

Gayon pa man, matapos na makuha ang aabot sa P10, 000 pinapasok ang mga kawani  sa palikuran.

Kaagad na tumakas ang dalawang holdaper lulan ng motorsiklo.

Ilang minuto ang nakalipas ay tumawag sa himpilan ng pulisya ang isang residente na ipinaalam ang kinaroroonan ng dalawang holdaper.

Inabutan ng mga operatiba ng pulisya ang dalawa sa gitna ng palayan kung saan pakipagbarilan at  napatay.

Itinuturong responsable rin ang mga napaslang sa panloloob sa sangay ng LBC sa Barangay Burol I, Dasmariñas City noong Sabado. Sangkot din ang dalawa sa serye ng holdapan sa Cavite.

vuukle comment

ANG

ATILDE

BARANGAY BUCANDALA

BARANGAY BUROL I

BULAGTA

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

DASMARI

GAYON

IMUS CITY

JANELA AQUINO

PRESIDENT OBAMA

WHITE HOUSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with