^

Probinsiya

Trader itinumba sa tindahan

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Napatay ang 60-anyos na negos­yanteng misis matapos itong pagbabarilin ng dalawang di-kilalang lalaki na nanloob sa kanyang tindahan sa Barangay Pili, bayan ng Magallanes, Sorsogon kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot pa ng buhay sa Sorsogon Medical Mission Group Hospital ang biktimang si Rosa Gregory Kumal. Sa ulat ng pulisya na isinumite sa Camp Simeon Ola nag-iisang bantay sa tindahan ang biktima nang pasukin at holdapin ng dalawang armadong lalaki. Nabatid na dumalo sa commencement exercise ang kaanak ng biktima kaya ito naiwan sa tindahan. Sinasabing pumalag ang biktima kaya tinuluyang patayin. Tangay ng mga holdaper ang hindi nabatid na malaking halaga at ilang personal na gamit ng biktima.

vuukle comment

BARANGAY PILI

CAMP SIMEON OLA

MAGALLANES

NABATID

NAPATAY

ROSA GREGORY KUMAL

SINASABING

SORSOGON

SORSOGON MEDICAL MISSION GROUP HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with