^

Probinsiya

70-anyos dinedo dahil sa lupa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang alitan sa lupa ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang 70-anyos na lolo ng mga armadong lalaki sa bayan ng Remedios T. Lim, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng mga tama ng bala ng shotgun ang magsasakang si Sergio Barbaso ng Barangay San Jose, bayan ng Kalawit. Samantala, sugatan naman si Ronald Wong na nagawang makatakbo matapos puntiryahin ng pamamaril ng mga suspek. Sa ulat ni P/Inspector Dahlan Samuddin, PNP regional spokesman na isinumite sa Camp Crame, naganap ang krimen sa lupang taniman ng matanda sa Barangay J.S. Perfecto sa nasabing bayan. Lumitaw sa imbestigaydon na abala sa pagtatanim ang matanda nang biglang lapitan at ratratin ng tatlong armadong lalaki. Isa sa mga suspek ay kinilalang si Nicolas Queso na tinukoy na kaalitan sa lupa ng pamilya ng biktima. Nagkataon namang napadaan sa nasabing lugar ang saksing si Wong kaya ito pinaputukan din subalit nakaligtas.

vuukle comment

BARANGAY J

BARANGAY SAN JOSE

CAMP CRAME

INSPECTOR DAHLAN SAMUDDIN

ISA

NICOLAS QUESO

REMEDIOS T

RONALD WONG

SERGIO BARBASO

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with