^

Probinsiya

Magsasaka dedo sa tandem

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Hindi na nakamtan ng 54-anyos na magsasaka ang bunga ng kanyang paghihirap sa inaning pananim matapos itong pagbabarilin hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem assassins habang nagbibilad ng palay sa Barangay Alibadabad, bayan ng San Mariano, Isabela kamakalawa. Sa police report na nakarating kay P/Senior Insp. Bonifacio Gannaban, hepe ng San Mariano PNP, nahaluan ng dugo ng biktimang si Lorenzo Barbon ang ibinilad na palay matapos ratratin ng tandem gunmen. Pinaniniwalaang matagal nang atraso at alitan sa lupa ang isa sa motibo ng gunman kaya pinatahimik ang biktima. Matatandaan na naunang niratrat at napatay ng di-kilalang lalaki ang hepe ng Cafgu na si Sgt. Roy Gapay habang ito ay nakikipag-inuman sa pagdaraos ng kapistahan sa Barangay San Jose.

vuukle comment

BARANGAY ALIBADABAD

BARANGAY SAN JOSE

BONIFACIO GANNABAN

CAFGU

ISABELA

LORENZO BARBON

MATATANDAAN

PINANINIWALAANG

ROY GAPAY

SAN MARIANO

SENIOR INSP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with