^

Probinsiya

Bus vs motorbike: 2 guro utas

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines - Dalawang guro sa elementarya ang magkasabay na sinalubong ni kamatayan habang malubha naman ang mister ng isa sa mga guro makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang motorsiklo ng mga ito sa kahabaan ng Maharlika Highway sa bayan ng Del Gallego  Camarines Sur kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga namatay na sina Maurine Buendia, 24; at Melissa Montema­yor, 30, kapwa mga guro sa Palanas Elementary School habang kritikal naman ang mister ni Maurine na si Michael Buendia, 25, pawang nakatira sa nasabing bayan.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, papauwi na ang mga biktimang magkakaangkas sa motorsiklong minamaneho ni Michael mula commencement exercise sa na­sabing school nang masalpok ang bus na minamaneho ni Anturo Cilot mula sa Maynila.

Tumilapon ang mga biktima na hindi na halos makilala dahil sa kalunus-lunos na  pagkamatay.

Nabatid na naulila ni Maurine ang limang taong gulang na anak  habang naulila naman ni Melissa ang tatlong anak na menor-de-edad

Nasakote naman ang driver ng bus kung saan nahaharap sa kaukulang kaso.

vuukle comment

ANTURO CILOT

CAMARINES SUR

DEL GALLEGO

MAHARLIKA HIGHWAY

MAURINE

MAURINE BUENDIA

MELISSA MONTEMA

MICHAEL BUENDIA

PALANAS ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with