^

Probinsiya

Kinalasan ng nobya, nagbigti

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaang dina­m­dam ng 19-anyos na tined­yer ang pakikipagkalas ng kanyang nobya sa kanilang relasyon kaya ito nag-suicide sa kanilang bahay sa Barangay Linabo, Dapitan City, Zamboanga del Norte kamakalawa.

Bandang alas-11:30 ng gabi nang madiskubre ang pagpapakamatay ng biktimang si Jover Jasmin na nagawa pang maisugod sa Dr. Jose Memorial Hospital subalit idineklarang patay.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na nakipag-inuman pa ang biktima kaniyang mga kabarkada kung saan ay isiniwalat nito ang hinanakit  ng loob matapos na makipag-break sa kaniya ang nobya.

Gayon pa man, nagpaalam na ang biktima sa kanyang kainuman at sinabing magpapakamatay na lamang siya dahil sa hindi makayanang pighati kung saan inakala naman ng mga kaibigan na nagbibiro ito.

Narekober naman ng pulisya ang suicide note ng biktima para sa nobyang si Grace Daquinotas na sinasabing nakipaghiwalay.

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY LINABO

CAMP CRAME

DAPITAN CITY

DR. JOSE MEMORIAL HOSPITAL

GAYON

GRACE DAQUINOTAS

JOVER JASMIN

NAREKOBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with