^

Probinsiya

Textmate ng live-in partner, kinatay ni mister

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinaniwalaang matin­ding selos ang nagbunsod sa isang mister matapos nitong umano’y patayin sa taga ang textmate ng kaniyang live-in partner ng mabuking ang panga­ngaliwa ng dalawa sa Sitio Salvacion, Brgy. Buensuceso, Gumaca, Quezon kamakalawa ng gabi.

Halos mabiyak ang ulo at maputol ang kamay sa tinamong mga taga sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ramon Hong III.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi ay kinompronta ng suspek na itinago sa pangalang Bong ang kaniyang live-in partner na ipinatago naman ng pamilya sa pangalang Lea matapos na mabasa sa cell phone ng babae ang pakikipagpalitan umano nito ng text sa biktima.

Sa matinding galit ng suspek ay sinugod umano ang bahay ng biktima at ng lumabas ito ay doon na sinalubong ng sunud-sunod na taga.

Gayunman, wala naman ni isa sa mga kapitbahay ng biktima ang maglakas loob na tumestigo sa krimen.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa kasong ito upang mabig­yang linaw ang insidente.

vuukle comment

BRGY

BUENSUCESO

GAYUNMAN

GUMACA

PATULOY

PINANIWALAANG

QUEZON

RAMON HONG

SITIO SALVACION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with