^

Probinsiya

Tomador pinugutan sa inuman

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 42-anyos na welder matapos itong pugutan ng kanyang kainuman ng alak na sinasabing sinapian ng masamang espiritu sa Brgy. Longos, Meycauayan City, Bulacan kamakalawa ng gabi. Kinilala ang napatay na si Ronald Frago habang inoobserbahan naman sa Bulacan Medical Center  ang malubhang nasugatan na si Jerry Ruiz, 47, traysikel drayber at kapwa nakatira sa nasabing barangay. Nasakote naman at pormal na kakasuhan ang suspek na si Danilo Jimenez, 34, ng Col. Castro Street sa nasabing barangay. Base sa police report, nakikipag-inuman ang biktima sa ilang kaibigan sa bakuran ng suspek nang maganap ang krimen. Biglang pumasok sa kanyang bahay ang suspek kung saan nang bumalik ay may hawak na itong samurai saka pinugutan ang biktimang tulog sa mesa dahil sa pagkalango sa alak. Tinangkang awatin ni Ruiz ang nagwawalang suspek na lango sa alak subalit sinamurai rin siya.

vuukle comment

BIGLANG

BRGY

BULACAN

BULACAN MEDICAL CENTER

CASTRO STREET

DANILO JIMENEZ

JERRY RUIZ

KALUNUS

MEYCAUAYAN CITY

RONALD FRAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with