^

Probinsiya

Magkalaguyo ipinakulong ng misis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagsak-kalaboso ang adik na mister at kerida nito matapos ipakulong ng pinagtaksilang misis sa ginanap na raid sa hotel na inookupa ng magkalaguyo sa Barangay San Antonio Poblacion, bayan ng Nabua, Camarines Sur  kamakalawa.

Sa ulat ni P/Supt. Primo Golingay na isinumite sa Camp Crame, naaktuhang magkaulayaw sa Macagang Hotel and Resort ang magkalaguyong sina Pedro Tarrosa, 40; at Marieta Falcon-Coronado, 46.

Kapwa inaresto ang magkalaguyo matapos namang humingi ng tulong sa pulisya ang misis ni Tarrosa na si Nelrose Tarrosa kaugnay sa nadiskubre nitong pangangalunya ng kaniyang mister.

Bandang alas-9 ng umaga nang lusubin ng mga operatiba ng pulisya ang Room 102 ng nasabing hotel kasama ang misis ng biktima upang hulihin sa akto ang magkalaguyo.

Hindi na nakapalag ang magkalaguyo matapos ma­aktuhang magkasiping sa kama ng hotel room.

Nasamsam sa mister ang isang plastic sachet ng shabu at mga drug paraphernalia. Joy Cantos

 

vuukle comment

BARANGAY SAN ANTONIO POBLACION

CAMARINES SUR

CAMP CRAME

JOY CANTOS

MACAGANG HOTEL AND RESORT

MARIETA FALCON-CORONADO

NELROSE TARROSA

PEDRO TARROSA

PRIMO GOLINGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with