^

Probinsiya

Kalaguyo ng ina kinatay ng 2 anak

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 37-anyos na mister matapos ratratin ay pinagtataga pa ng dalawang anak ng kalaguyo ng una sa Barangay Cawit, Zamboanga City sa Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang  napatay na si Ronan Punzalan habang pinaghahanap naman ng pulisya ang mag-utol na suspek na sina Tan Saric, 25; at  ang 17 anyos nitong kapatid na itinago sa pa­ngalang Sam.

Sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima mula sa pakikipagtagpo sa 42-an­yos na ina ng mga suspek na si Fatima Saric nang maabutan ng mag-utol habang palabas ng bakuran ng kanilang bahay.

Dito na sumiklab ang galit ng magkapatid kung saan pinagbabaril ito ni Tan pero tumakbo sa loob ng kanilang bahay na nakorner naman ni Sam saka pinagtataga naman ito.

Upang makasigurong patay na ang biktima ay muli itong pinaputukan ni Saric at pinagtataga naman ni Sam.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang siyam na basyo ng bala ng baril, at apat na sachet ng shabu. Joy Cantos

vuukle comment

BARANGAY CAWIT

DITO

FATIMA SARIC

JOY CANTOS

KINILALA

NAREKOBER

RONAN PUNZALAN

TAN SARIC

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with