^

Probinsiya

2 sundalo utas sa mga binatilyong supporters ng BIFF

Pilipino Star Ngayon

MANILA Philippines – Namamalengke lamang ang dalawang sundalo ngunit hindi nila alam  na ito na pala ang kanilang katapusan matapos silang barilin nang walang kalaban-laban ng dalawang pinaghihinalaang taga-suporta ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Nakilala ang mga biktima na sina  Cpl. Nerger Piñero at Pfc. Jamaneel Bulaybulay ng 37th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Ayon kay Senior Inspector Acmad Sarico, hepe ng Buldon municipal police, may binibili lamang ang mga biktima sa palengke nang bigla silang lapitan ng dalawang binatilyo saka pinagbabaril sa ulo.

Bukod sa pagpatay, ninawakan din ng mga suspek ang mga biktima sa pagtangay ng M-16 rifle ni  Piñero.

Sinabi pa ni Sarico na nakilala ng mga testigo ang mga suspek na umano'y mga taga-suporta ng BIFF.

Hanggan ngayon ay tinutugis pa rin ng mga awtoridad ang mga suspek.

vuukle comment

AYON

BANGSAMORO ISLAMIC FREEDOM FIGHTERS

BUKOD

INFANTRY BATTALION

JAMANEEL BULAYBULAY

NERGER PI

PHILIPPINE ARMY

SENIOR INSPECTOR ACMAD SARICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with