^

Probinsiya

2 tinedyer lunod sa beach resort

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Magkasunod na sinalubong ni kamatayan ang magkaibigang tinedyer matapos na malunod sa Palong Beach Resort sa Sitio Dinognaan, Barangay Mataque sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Naisugod pa sa Capalonga Medicare Hospital subalit namatay din sina Dante Paquita Jr., 17; at Raynold Atienza, 15, habang nasa malubhang kalagayan naman ang kasamahan ng dalawa na si Marvin Tapin, 17, mga nakatira sa Barangay Tananuan sa nabanggit na bayan. Ayon sa ulat ng pulisya, magkakasamang naligo ang mga biktima sa nasabing resort nang mapagawi sa malalim na bahagi ng dagat kaya magkakasabay na nalunod. Nagawa namang makuha ang mga biktima saka dinala sa nasabing ospital subalit namatay ang dalawa.

vuukle comment

AYON

BARANGAY MATAQUE

BARANGAY TANANUAN

CAMARINES NORTE

CAPALONGA

CAPALONGA MEDICARE HOSPITAL

DANTE PAQUITA JR.

MARVIN TAPIN

PALONG BEACH RESORT

RAYNOLD ATIENZA

SITIO DINOGNAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with