^

Probinsiya

7-anyos ni-rape slay ng tiyuhin

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Pinaniniwalaang hinalay muna saka pinatay sa sakal ang 7-anyos na nene ng kanyang tiyuhin saka inabandona sa madamong bahagi sa bayan ng Sariaya, Quezon kamakalawa ng gabi. Dahil sa sensitibong usapin, nakiusap ang pamilya ng biktima na itago na lamang ang biktima sa pangalang Elaine habang naaresto naman ang suspek na itinago naman sa pangalang Romy, 40, may-asawa, tubong Cavite at naninirahan sa nasabing bayan. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:35 ng gabi nang utusan ang biktima ng kanyang ina na tumaya ng Small Town Lottery sa kanilang kapitbahay. Ilang minuto ang nakalipas ay nakita ang biktima na kasama ng suspek hanggang sa lumipas ang kalahating oras ay hindi na ito nakauwi. Nang hanapin ang biktima ng kanyang ina at mga opisyal ng barangay ay nakita itong patay at nakahandusay na may takip ng mga dahon ng kawayan may 200-metro ang layo sa kanilang bahay.

vuukle comment

BIKTIMA

CAVITE

DAHIL

ILANG

NANG

PINANINIWALAANG

QUEZON

ROMY

SARIAYA

SMALL TOWN LOTTERY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with