^

Probinsiya

2 kawani ng medical lab todas sa kawatan

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Dala­wang kawani ng clinical la­boratory ang napatay matapos barilin ng mga kawatan na nanloob sa kanilang opisina sa Batangas City noong Linggo ng hapon. Kinilala ang dalawa na sina Jeffrey Nilo Narvaza, 35, caretaker ng Ramos Building; at Leonora Falceso, 69, caretaker ng Batangas Clinical Laboratory na matatagpuan sa D. Silang Street sa Barangay 19 sa nasabing lungsod.

Base sa police report, ang dalawang suspek na nakilala sa CCTV footage ay sina Mark Anthony “Aso” Burog at Roderick “Ilik” Bonifacio ang pumasok sa compound na pag-aari ng isang Dr. Celso Ramos bandang alas 3:06 ng hapon.

Sa salaysay ng saksi, nang pumasok sa compound ang mga suspek ay bigla nitong binaril si Narvaza bago pinasok ang katabing Batangas Clinical Laboratory kung saan nilimas ang P.7 mil­yong cash.

Gayon pa man, nang papatakas na ang mga suspek ay nakita naman si Falceso na nakatayo sa pinto ng clinic saka kinaladkad at binaril din ni Burog sa mukha.

vuukle comment

BATANGAS CITY

BATANGAS CLINICAL LABORATORY

BUROG

DR. CELSO RAMOS

JEFFREY NILO NARVAZA

LEONORA FALCESO

MARK ANTHONY

RAMOS BUILDING

SILANG STREET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with