^

Probinsiya

Presidente ng asosasyon ng trike, itinumba

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Bulagta ang beteranong Barangay Kagawad na tumatayong presidente ng asosasyon ng traysikel matapos itong ratratin ng riding-in-tandem gunmen sa bahagi ng Barangay 30-B Sta. Maria, Laoag City, Ilocos Norte kamakalawa.

Idineklarang patay sa Gov. Roque Ablan Sr. Memorial Hospital si Kagawad Jessie Jacinto habang tinamaan naman ng ligaw na bala sa binti ang 27-anyos na anak nitong si Jackylyn Balino.?

Sa ulat na nakara­ting kay P/Supt. Jeffrey Gorospe, hepe ng Laoag City PNP, pauwi na ang biktimang nagmamaneho ng trike kasama ang kanyang misis, anak, mga apo at kaanak nang ratratin dakong alas-7 ng gabi.

Sumadsad sa gilid ng kalsada ang kagawad dahil sa tinamong mga tama sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan. ?

Sa follow-up operations ng pulisya, nasakote naman ang isa sa mga suspek si Luchimbar Maximo ng Barangay Buena Suerte, Cauayan City.?

Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang mga anggulong may kaugnayan sa pagnenegosyo ng bigas ng biktima at pagiging presidente nito ng asosasyon ng Tricycle Drivers at Operators.

vuukle comment

B STA

BARANGAY BUENA SUERTE

BARANGAY KAGAWAD

CAUAYAN CITY

ILOCOS NORTE

JACKYLYN BALINO

JEFFREY GOROSPE

KAGAWAD JESSIE JACINTO

LAOAG CITY

LUCHIMBAR MAXIMO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with