^

Probinsiya

2 ‘sinalvage’ sa Cavite

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - Dalawa-katao na pinaniniwalaang mi­yembro ng sindikato ng droga ang sinalvage ng mga di-kilalang lalaki saka inabandona sa  bakanteng lote sa Barangay Langkaan 1, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Kasalukuyang bineberipika ang pagkakakilanlan ng dalawa na natagpuan dakong alas-9 ng umaga sa bakanteng lote na pag-aari ng pamilya Enano. Kapwa nakagapos ang mga kamay at paa na may mga tama ng bala ng baril sa noo. Walang suot na t-shirt, nakayapak, at naka-itim na short na maong ang isa sa biktimang may tattoo na rosary sa kaliwang kamay. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang iniimbestigahan ang nasabing insidente.

vuukle comment

BARANGAY LANGKAAN

CAVITE

DALAWA

DASMARI

ENANO

KAPWA

KASALUKUYANG

NAREKOBER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with