^

Probinsiya

Army vs Sayyaf: 7 dedo, 23 sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Aabot sa limang bandidong Abu Sayyaf at dala­wang sundalo ang napaslang habang dalawampu’t tatlo naman ang nasugatan kabilang ang siyam sa sundalo sa naganap na umaatikabong bakbakan sa liblib na bahagi ng Barangay Tanum, bayan ng Patikul, Sulu kahapon ng umaga.

Sa ulat na nakarating kay Lt. Col. Harold Cabunoc, nakasagupa ng tropa ng 16th Special Forces Company at 1st Special Reconnaissance Batallion ng Joint Task Group (JTG) Sulu ang mga bandido na pinamumunuan ni Abu Sayyaf Sub-Commander Sawadjaan.

Nasa limang Abu Sayyaf ang bumulagta sa encounter site sa kasagsagan ng artillery fires habang aabot naman sa labing-apat ang sugatang namataang tumatakas.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal ay naglatag na rin ng blocking at checkpoint operations upang harangin ang mga bandidong nagsisitakas.

Sa tala, lumilitaw na walo pang kinidnap ng Abu Sayyaf Group ang nanati­ling hawak ng mga bandido nagtatago sa kagubatan ng Sulu.

vuukle comment

AABOT

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

ABU SAYYAF SUB-COMMANDER SAWADJAAN

BARANGAY TANUM

HAROLD CABUNOC

JOINT TASK GROUP

SPECIAL FORCES COMPANY

SPECIAL RECONNAISSANCE BATALLION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with