^

Probinsiya

Kano patay sa love triangle

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napatay ang 46-anyos na American citizen matapos itong pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa pani­bagong karahasang naganap sa Barangay Sum-ag, Bacolod City, Negros Occidental kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Bernard Jereza na nagtamo ng apat na mga tama ng bala ng cal. 45 pistol at idineklarang patay sa Bacolod Adventist Medical Center. Nabatid na kararating lamang ng biktima kasama ang ka-live-in at anak na babae sa bahay ng tiyuhin nang biglang lapitan at ratratin ng tandem ang biktima. Narekober naman sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang sinisilip naman ang anggulong love triangle ang motibo sa pamamaslang.

vuukle comment

BACOLOD ADVENTIST MEDICAL CENTER

BACOLOD CITY

BARANGAY SUM

BERNARD JEREZA

KINILALA

NABATID

NAPATAY

NAREKOBER

NEGROS OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with