^

Probinsiya

PNP-SAF pararangalan sa Bataan

Jonie Capalaran - Pilipino Star Ngayon

BATAAN, Philippines – Matinding pagdadalamhati ang sinapit ni Lola Anacleta matapos mapatay ang kanyang apo na isa sa 44- miyembro ng Special Action Force (PNP-SAF) laban sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa naganap na masaker sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.

Umiiyak na tinititigan ni Lola Anacleta Vizmanos ang larawan ng kanyang apo na si PO3 John Lloyd Sumbilla na ipinatong sa mesa na may nakasinding kandila saka nilagyan ng bulaklak sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Poblacion sa bayan ng Morong, Bataan.

Naulila ni PO3 Sumbilla ang kanyang misis na si Re­chelle na isang guro sa Kanawan Elementary School kung saan sinasabing ikinasal ang dalawa noong Disyembre 25, 2014 sa bayan ng Morong.

Kasalukuyang  limang buwang nagdadalang-tao na isang baby girl si Rechelle na hindi inaasahan ang magaganap na trahedya sa kanyang mister.

Inaabangan na ng mga kamag-anak, kaibigan, kakilala at mga kasamahang pulis ang pagdating ng mga labi ni PO3 Sumbilla kung saan bibigyan ng parangal ng hepe ng Morong PNP ngayon.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

DISYEMBRE

JOHN LLOYD SUMBILLA

KANAWAN ELEMENTARY SCHOOL

LOLA ANACLETA

LOLA ANACLETA VIZMANOS

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

SPECIAL ACTION FORCE

SUMBILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with