^

Probinsiya

Human bomb sumabog: 3 patay

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Tatlo-katao kabilang ang dalawang bomber ang namatay makaraang sumabog  nang wala sa oras ang bombang bitbit ng dalawa habang nagmomotorsiklo sa Manuel Quezon Avenue, Barangay Poblacion sa bayan ng Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Base sa police report na isinumite kay Pikit Task Force Commander P/Supt. Jordine Maribojo, kinilala ang dalawang bomber na sina Asrap Mohamad, 28; at Jhomar “Gapor” Palaguyan, 27, kapwa nakatira sa bayan ng Balatikan sa nabanggit na bayan.

Samantala, namatay naman sa Kabacan Medical Hospital ang sibilyang si Frouline Hera, 36, may asawa at nakatira sa Barangay Calawag sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ng pulisya, lulan ng motorsiklo ang dalawang bomber nang biglang sumabog ang improvised explosive device sa backpack ni Mohamad.

Maging ang sibilyang si Hera na naglalakd sa kalsada ay tinamaan ng mga shrapnel ng bomba kung saan nagulantang ang mga nagpapatrolyang pulis sa pangunguna ni P/Insp. Sindato Karim.

Sa beripikasyon ng pulisya, lumilitaw na ang motorsiklong ginamit nina Mohamad at Palaguyan ay nakarehistro sa pangalang Elias Curiba Galendez Jr. ng Romagooc, Kibawe, Bukidnon habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

vuukle comment

ASRAP MOHAMAD

BARANGAY CALAWAG

BARANGAY POBLACION

ELIAS CURIBA GALENDEZ JR.

FROULINE HERA

JORDINE MARIBOJO

KABACAN MEDICAL HOSPITAL

MANUEL QUEZON AVENUE

MOHAMAD

NORTH COTABATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with