^

Probinsiya

Jailbreak: 8 preso pumuga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walong inmates kabilang ang isang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group ang pumuga mula sa detention cell sa Isabela City, Basilan noong Martes ng umaga.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Albert Larubis, hepe ng Isabela City PNP, dakong alas – 8:45 ng umaga nang madiskubre ang pagpuga ng mga preso sa Basilan Provincial Jail sa Barangay Geras Sumandang sa nasabing lungsod.

Kabilang sa mga pre­song pumuga at kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ay sina Said Usman, miyembro ng Abu Sayyaf; Akmad Arasani, Obet dela Cruz, Serham “Bagio” Akalun, Benhar Ibrahim, Oliver Tinguha, Mumar Jajuli, at si Arajan Dala.

Lumilitaw sa imbestigasyon na sinamantala ng mga bilanggo na makali­ngat ang ilang guwardiya saka isagawa sa pagtakas.

Nagawang umakyat sa kisame ng mga preso saka tumalon sa bakod at tulu­yang naglaho.

Nang magsagawa ng routine inspection sa mga preso ang mga jailguard ay napansing nawawala ang walo. Posibleng masibak sa puwesto ang ilang opis­yal at jailguard dahil sa kapabayaan.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF GROUP

AKMAD ARASANI

ALBERT LARUBIS

ARAJAN DALA

BARANGAY GERAS SUMANDANG

BASILAN PROVINCIAL JAIL

ISABELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with