^

Probinsiya

Mangyayari pa ang mga ‘di-kanais-nais kapag walang BBL – MILF

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines – Nagbigay ng reaksyon si MILF Spokeman Ghadzali Jaafar sa posisyon ni Sen. Bongbong Marcos na isuspinde ang hearing sa Bangsamoro Basic Law (BBL). 

Aniya, lalong magpapa-delay ito sa peace process.

“Kung walang Bangsa­moro government ay mangyayari pa ang mga pangyayaring ‘di-kanais-nais,” pahayag pa ni Jaabar

Samantala, tahasang sinabi rin ni Jaafar na wa­lang nalabag na probisyon sa AHJAC agreement ang kanilang grupo sa madugong engkwentro sa Barangay Tukanalipao at Barangay Inug-og sa bayan ng Mamasapano, Maguindanao.

Sinabi pa ni Jaafar na ang nangyaring bakbakan ay “unforunate at uncalled for” o hindi dapat mangyari.

Nanindigan si Jaafar na pumasok ang PNP-SAF sa kanilang teritoryo at hindi man lang nakipag-ugnayan.

Dahil dito, ang pamunuan ng MILF ay nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga pulis na napatay sa bakbakan.

Nagpaliwanag din si Jaafar na wala sa kanilang teritoryo sina Zulkifli Bin Hir alyas Marwan at si Kumander Basit Usman ng Jemmaah Islamiyah pero posibleng nandoon lang malapit sa kanilang lugar.

Disamayado naman ang Suara Bangsamoro sa pagpapaliban ng hearing para sa Bangsamoro Basic Law.

 “Tila hindi makataru­ngan na gawing rason ang nangyaring engkuwentro ng Special Action Force ng PNP, Moro Islamic Liberation Front sa Mamasapano, Maguindanao,” paliwanag ni Suara Bangsamoro National President Amerah Lidasan.

Nagdududa rin ang pa­munuan ng Suara Bang­samoro sa timing ng raid dahil itinaon sa araw kung saan dinidinig ang BBL sa Senado.

Umapela ang progresibong grupo na sana pagtuunan ng pansin ang pagdinig sa BBL.

vuukle comment

BANGSAMORO BASIC LAW

BARANGAY INUG

BARANGAY TUKANALIPAO

BONGBONG MARCOS

JAAFAR

JEMMAAH ISLAMIYAH

KUMANDER BASIT USMAN

MAGUINDANAO

MAMASAPANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with