^

Probinsiya

Mag-uutol patay sa sunog

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napaaga ang kamatayan ng magkakapatid na batang lalaki makaraang tupukin ng apoy ang kanilang kubo sa Barangay San Lorenzo, bayan ng Buguey, Cagayan kamakalawa. Ayon kay P/Senior Insp. Saturnino Soriano, hepe ng Buguey PNP, animo’y tustadong karne ng hayop at hindi na mamukhaan ang mga labi nina Ashley Umukit, 10; Elvin Umukit Jr., 3; at si Marco Umukit, 2. Ayon kay Soriano, iniwan ng mag-asawang Elvin at Jocelyn ang mga anak upang makipaglamay sa yumaong kaanak. Nabatid na hindi ganap na inapula ang baga sa kalan ng pamilya Umukit na siyang pinagmulan ng apoy. Tanging ang anak ng mag-asawa na sanggol na kanilang dinala sa burol ang nakaligtas, ayon kay Soriano.

vuukle comment

ASHLEY UMUKIT

AYON

BARANGAY SAN LORENZO

BUGUEY

ELVIN

ELVIN UMUKIT JR.

MARCO UMUKIT

SATURNINO SORIANO

SENIOR INSP

SORIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with