^

Probinsiya

Magsasaka dinedo dahil sa babae

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Hindi umubra ang pagiging matikas ng isang magsasaka matapos na pagtulungang saksakin at mapatay ng mag-utol kaugnay sa pinag-agawang babae sa sayawan kamakalawa ng gabi sa Barangay Pagsangahan, bayan ng San Francisco, Quezon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Nomeriano Diaz ng Barangay Nasalaan habang nadakip naman ang mag-utol na suspek na sina Renante Dauba, 44; at Danny Dauba na kapwa nakatira sa nasabing barangay. Base sa ulat ng pulisya, nanonood ng pasayaw sa barangay fiesta ang biktima at ang mag-utol nang sumiklab ang pagtatalo. Nagkainitan ang biktima at si Renante dahil sa babae na kapwa nila gustong isayaw. Nang hindi magkasundo ay naghamunan ang dalawa kung saan armado ng patalim ang biktima at si Renante naman ay tubo. Nang makita ni Danny na agrabyado ang kapatid ay inundayan nito ng saksak sa likuran ang biktima at tumulong na rin ang kapatid hanggang sa maganap ang pamamaslang.

vuukle comment

BARANGAY NASALAAN

BARANGAY PAGSANGAHAN

DANNY DAUBA

KINILALA

NAGKAINITAN

NANG

NOMERIANO DIAZ

RENANTE

RENANTE DAUBA

SAN FRANCISCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with