^

Probinsiya

Pulis itinumba sa videoke bar

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabulagta ang isang pulis matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang lalaki sa loob ng videoke bar sa Barangay San Francisco, bayan ng Tapaz, Capiz kamakalawa ng gabi.Napuruhan ng bala ng cal. 45 pistol ang biktimang si PO2 Rogelio Delay ng Banate PNP. Ayon sa ulat, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang tiyuhin at tatlong anak ng kaniyang ka-live-in sa loob ng videoke bar nang sumiklab ang kaguluhan. Nagkabanggaan ang mga kasamahan ni PO2 Delay at apat na lalaking umiinom sa kabilang mesa na nauwi sa komosyon. Sa nasabing komosyon, isa sa mga suspek ang bigla na lamang pinutukan ang biktima kung saan nabalot ng tension ang nasabing lugar. Nakatakas naman ang grupong nakabanggaan ng mga kasama ng biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN FRANCISCO

BIKTIMA

CAPIZ

NAGKABANGGAAN

NAKATAKAS

NAPURUHAN

PINABULAGTA

ROGELIO DELAY

TAPAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with