^

Probinsiya

Trader itinumba sa harap ni misis

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY , ALBAY, Philippines – Binistay ng bala  at pinagtataga pa sa leeg sa harapan ng kaniyang misis ang isang 68 anyos na negosyante makaraang harangin ng mga armadong kalalakihan ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo  sa Brgy. Mabuhay, San Pascual, Masbate kamakalawa.

Dead-on-the-spot sa insidente ang biktimang si Nicholas Ortega, residente ng naturang lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong  alas -3 ng hapon habang ang biktima at ang misis nitong si Josefina ay lulan ng motorsiklo pauwi sa kanilang tahanan ng harangin ng mga salarin pagsapit sa lugar.

Agad pinababa ng mga suspek na pawang armado ng M16 rifles at cal.45 pistol ang mag-asawa saka iginapos ang kamay ng mga ito.

Galit na galit umano ang mga salarin na pinagbabaril ang biktima na sinabihan pang ‘hayop kang matanda ka’ na hindi pinakinggan ang pagmamakaawa ng misis nito.

Matapos pagbabarilin ang matanda ay pinagtataga pa ito sa leeg na halos ikaputol ng ulo nito saka mabilis na nagsitakas ang mga salarin.

Pinaniniwalaan namang personal na galit ang motibo ng krimen habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso.

vuukle comment

BINISTAY

BRGY

GALIT

JOSEFINA

MABUHAY

MASBATE

MATAPOS

NICHOLAS ORTEGA

SAN PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with