^

Probinsiya

Pekeng pulis timbog

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines - Bagsak kalaboso ang isang lalaking nagpakilalang miyembro ng PNP matapos na masita ito ng tunay na pulis habang nag-aabang ng masasakyan sa Brgy. Wakas, Bocaue, Bulacan kahapon.

Ang suspek na si Romel Narciso, 22 ng Guiguinto, Bulacan  na nagpakilalang kasapi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na nakabase sa Camp Crame ay nasamsaman pa ng pekeng ID at cal. 45 pistol.

Base sa ulat ni P/Supt. Nathaniel Villegas dakong alas-6:30 ng umaga, kasalukuyang nangangasiwa ang pulisya sa daloy ng trapiko sa bahagi ng MacArthur Highway sa Brgy. Wakas nang mapansin  ang suspek na nakasuot ng PNP bull cap, jacket na may insignia ng pulisya at nang kapkapan ay may nakabukol na baril sa kanyang baywang.

Ipinakita naman ng suspek ang ID ng CIDG nang sitahin ito pero ng iberipika sa pamunuan ay natuklasang peke kaya inaresto ang suspek.

vuukle comment

BAGSAK

BOCAUE

BRGY

BULACAN

CAMP CRAME

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

GUIGUINTO

IPINAKITA

NATHANIEL VILLEGAS

ROMEL NARCISO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with