^

Probinsiya

Drug bust : P20-M shabu nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umiskor ang mga awtoridad matapos masamsam ang aabot sa humigit kumulang na P20-M halaga ng shabu at kemikal sa isinagawang anti-drug bust operation nang salakayin ang isang drug den sa Butuan City, Agusan del Norte kamakalawa.

Ayon kay CARAGA Police Spokesman Supt. Romaldo Bayting, dakong alas-7:30 ng gabi nitong Huwebes ng lusubin ng pinagsanib na operatiba ng kanilang mga tauhan at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 13  ang drug den sa Nasifa Sangcopan, Brgy. Ong Yiu ng lungsod.

Gayunman, nakatakas sa operasyon ang mga pinaghihinalaang drug lord na tinukoy lamang sa mga alyas na Michael at Jepoy  na nagpulasan ng takbo matapos na matunugan ang presensiya ng papara­ting na mga awtoridad.

Sa kabila nito, sa bisa ng search warrant na inisyu ng korte ay hinalughog ng mga awtoridad ang naturang drug den at bumulaga sa mga ito ang bultu-bultong droga at mga drug paraphernalia.

Ayon kay Bayting uma­abot sa 2.2 kilo ng shabu at mga kemikal na tinatayang nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P20-M ang nakumpiska ng mga operatiba gayundin ang samutsaring mga drug paraphernalia.

Nakuha rin sa raid ang P79,170.00 cash na hinihinalang pinagbentahan ng droga ng naturang mga wanted sa batas na drug lord at isang cal. 45 pistol na may magazine.

vuukle comment

AYON

BUTUAN CITY

DRUG

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

NASIFA SANGCOPAN

ONG YIU

POLICE SPOKESMAN SUPT

ROMALDO BAYTING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with