^

Probinsiya

Ina, 2 anak dinedo, ibinaon sa palayan

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng mag-iina na sinasabing pinahirapan at pinagbabaril saka ibinaon sa gitna ng palayan matapos na dukutin ng mga di-kilalang lalaki noong nakalipas na linggo ng gabi sa Barangay San Antonio, bayan ng Mexico, Pampanga.

Personal na kinilala ni Chairman Rodolfo Villena ng Barangay Parian ang mga biktimang sina Pacita Villena Limpin, 59; Patrick Limpin, 30; at si Christian Paul Limpin, 25, mga naka­tira sa nasabing barangay.

Sa police report na nakarating sa Camp Olivas, Pampanga, nakatanggap ng text message si Chairman Villena mula sa hindi nagpakilalang residente na matatagpuan ang mga bangkay ng mag-iina sa gitna ng palayan sa Brgy. San Antonio.

Kaagad namang rumes­ponde ang pulisya kung saan natagpuan ang pinag­libingan sa mga biktima na nakatali pa ang mga paa at kamay na may mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nabatid na nawawala ang mga biktima noong Biyernes (Enero 16) na sinasabing dinukot ng mga di-kilalang kalalakihan.

Base sa record ng pulisya, si Christian Paul ay sinasabing isa sa mga suspek sa kasong extortion at nagpakilala pa itong miyembro ng Rebolusyunaryong Hukbong Bayan habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BARANGAY PARIAN

BARANGAY SAN ANTONIO

CAMP OLIVAS

CHAIRMAN RODOLFO VILLENA

CHAIRMAN VILLENA

CHRISTIAN PAUL

CHRISTIAN PAUL LIMPIN

PACITA VILLENA LIMPIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with