^

Probinsiya

Nanita ng boserong kapitbahay, inutas

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Napatay ang 50-anyos na magsasaka matapos na hatawin sa ulo ng kanyang kabaro na sinasabing namboboso sa kanilang bahay sa Purok Ipil-Ipil, Barangay Canantong sa bayan ng Laur, Nueva Ecija noong Sabado ng gabi.

Halos mabasag ang bao ng ulo ng biktimang si Julio “Butch” Ballesteros habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Alex “Jumong” Basilio, 31, kapwa magsasaka at nakatira sa nasabing barangay.

Lumilitaw na kinompronta ng biktima ang suspek kaugnay sa ginagawa nitong pamboboso sa kanyang asawa at anak na dalaga sa kanilang bahay.

Gayon pa man, nagkainitan ang dalawa hanggang sa bumunot ng dalang karit ang biktima saka sinunod at initak ang suspek.

Nagawa namang makailag ng suspek nang mahawakan nito ang kamay ng biktima hanggang sa mawalan ng balanse at mahulog sa lupa.

Dito nakatiyempo ang suspek na nakatayo saka pinalo sa ulo ang biktima gamit ang homemade dumbbell.

 

vuukle comment

ALEX

BALLESTEROS

BARANGAY CANANTONG

BASILIO

DITO

GAYON

JUMONG

LUMILITAW

NUEVA ECIJA

PUROK IPIL-IPIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with