^

Probinsiya

3 todas sa road mishap

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Tatlo katao ang nasawi makaraang aksidenteng sumalpok ang sinasakyan ng mga itong motorsiklo sa sinusundang truck kamakalawa sa highway ng Brgy. Ayungon, La Carlota City, Negros Occidental nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Richomond Jico, 27, driver; Jesmar Jico, 23; at Florencio Jico, 16- anyos.

Ayon kay Supt. Orly Gabinete, hepe ng La Carlota City Police, naganap ang malagim na sakuna  sa nasabing lugar bandang alas-11:30 ng gabi.

Nabatid na pauwi na ang mga biktima na magkaka­angkas sa motorsiklo galing sa inuman nang aksidenteng bumangga ang sinasakyan ng mga ito sa sinusundang truck.

Dead-on-the-spot sa insidente ang mga biktima na nagtamo ng matinding sugat sa ulo dahil wala ang mga itong suot na helmet.

Samantalang nagmamadali namang tumakas ang driver ng truck na ngayo’y pakay ng manhunt operations ng pulisya. Isinasailalim pa sa masusing imbestigasyon ang kasong ito.

vuukle comment

AYON

AYUNGON

FLORENCIO JICO

JESMAR JICO

LA CARLOTA CITY

LA CARLOTA CITY POLICE

NEGROS OCCIDENTAL

ORLY GABINETE

RICHOMOND JICO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with