^

Probinsiya

Mag-asawa hinostage ng adik

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Bagsak kalaboso ang isang  lalaking lulong sa shabu at nabugbog pa ng taumbayan matapos na i-hostage nito ang mag-asawang matanda habang kumakain sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose Del Monte City, Bulacan kagabi.

Kinilala ang  suspek na si Michael Magdarayo, 38, obrero at residente ng Brgy. Bagong Silang sa Caloocan City at miyembro ng notor­yus na akyat bahay gang.

Nagtamo naman ng trauma­ at kaagad na isi­nugod sa Sapang Palay District Hospital upang malapatan ng lunas ang mga biktimang sina  Luz Barotil, 70, at asawa nitong si Francisco Barotil, 67, kapwa mga residente ng Towerville, Brgy. Minu­yan Proper sa bayang ito.

Sa report ni P/Supt. Charlie Cabradilla dakong alas 6:45 ng gabi habang kuma­kain ng hapunan ang mag-asawang biktima kasalo ang kanilang mga kaanak ay biglang nagkagulo sa labas ng kanilang bahay nang biglang pumasok ang suspek na hinahabol ng taumbayan dahil sa ginawang panloloob nito sa isa pang bahay sa naturang lugar.

Kaagad namang nagres­ponde ang pulisya at na­sakote ang suspek.

vuukle comment

BAGONG SILANG

BRGY

CALOOCAN CITY

CHARLIE CABRADILLA

FRANCISCO BAROTIL

LUZ BAROTIL

MICHAEL MAGDARAYO

MINUYAN PROPER

SAN JOSE DEL MONTE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with