^

Probinsiya

Pulis-Tuguegarao nag-amok, tiklo

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Sa rehas na bakal magdiriwang ng Pasko ang bagitong pulis na sinasabing nag-amok at tangkang magpasabog ng granada matapos itong arestuhin ng kanyang kabarong pulis sa Barangay Labben, bayan  ng Allacapan, Cagayan kamakalawa. Sa pahayag ni P/Senior Insp. Joefferson Gannaban, hepe ng Allacapan PNP, problema sa pamilya ang isa sa motibo kaya nagwala ang suspek na si PO1 Marlon Biraquit ng Regional Public Safety Battalion sa Tuguegarao City. Base sa police report, naglasing at naghamon ng away ang suspek na may hawak na granada. Gayon pa man, naagapan ng mga pulis na rumesponde na maagaw sa senglot na pulis ang hawak nitong granada bago pa alisin ang safety pin.? Dahil sa eskandalo, kinasuhan ng illegal possession of explosives si PO1 Biraquit na walang kaukulang piyansa.

vuukle comment

ALLACAPAN

BARANGAY LABBEN

BIRAQUIT

DAHIL

GAYON

JOEFFERSON GANNABAN

MARLON BIRAQUIT

REGIONAL PUBLIC SAFETY BATTALION

SENIOR INSP

TUGUEGARAO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with