^

Probinsiya

Lodging house sinunog ng hostage taker: 6 patay

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

ALBAY, Philippines – Lima katao ang nasawi matapos ma-trap sa Bicolandia Lod­ging House na nasunog makaraang pasabugin ang tangke ng gas ng nag­huramentadong hostage taker na napaslang din ng pulisya habang tatlo pa ang nasugatan sa Daraga ng lalawigan kahapon ng madaling araw.

Sa inisyal na ulat ni Sr. Supt. Marlo Meneses, Provincial Police Office (PPO) Director ng Albay, isa sa mga nasawi ay kinilalang si Lino Ladronio, sinasa­bing nagresponde lamang sa lugar upang iligtas ang hinostage na kasintahan.

Patuloy namang ina­alam ang pagkakakilanlan sa tumimbuwang na hostage taker at apat pang nasawing biktima na na-trap sa nasabing lodging house.

Isinugod naman sa pagamutan ang tatlong nasugatan kabilang ang nagrespondeng pulis na si PO1 Bancuro Laurel na tinangkang agawin ang patalim sa hostage taker.

Ayon kay Meneses, dakong alas–2:24 ng mada­ling araw ng mang-hostage ang suspek ng da­lawang estudyante na sina Kathleen Briones at Josie Alcoven­das; pawang kolehiyala at ng canteen helper na si John dela Peña, 17 sa canteen sa tabi ng Bico­landia Lod­ging House na pag-aari ni Connie Condino sa Brgy. KImantong.

Pinalaya naman ng suspek matapos ang ilang oras ang mga biktima pero nasaksak nito ang nagres­pondeng si Laurel.

Nagpatuloy sa pag­huhuramentado ang suspek ng makitang napapalibutan ng nagrespondeng mga operatiba ng pulisya ang lugar kaya binunot ang hose ng LPG saka sinindahan bunsod upang magkaroon ng pagsabog na ikinasunog ng lodging house kung saan na-trap ang mga nasawing biktima at nabaril naman ang hostage taker na nasawi rin sa insidente.

Sa teorya ng mga awtoridad, posibleng may diperensya sa pag-iisip ang suspek at mula ito sa malayong lugar na sumakay lamang sa dumaraang bus na galing sa Visayas Region na ina­alam pa kung biktima ng bagyong Yolanda at Ruby. Iniimbestigahan pa ang kasong ito. (Dagdag ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BANCURO LAUREL

BICOLANDIA LOD

CONNIE CONDINO

JOSIE ALCOVEN

JOY CANTOS

KATHLEEN BRIONES

LINO LADRONIO

MARLO MENESES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with