^

Probinsiya

Mag-utol nagpatayan sa Christmas party

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Nauwi sa disgrasya ang masayang Christmas party ng magkakapatid makaraang mapatay ng nakatatandang utol ang nakababata nitong kapatid sa likod ng kanilang bahay sa Barangay San Roque, bayan ng Lupao sa Nueva Ecija, kamakalawa ng madaling-araw. Kinilala ang biktima na si Amando Mendez, 46, habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Judi Mendez, 52, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Nabatid na nag-iinuman ang magkakapatid na Mendez nang biglang magkapikunan sa pinag-uusapang isyu ang magkapatid na Amando at Judi. Kaagad namang kumuha ng itak ang suspek saka pinagtataga ang biktima na sinasabing lango na rin sa alak.

vuukle comment

AMANDO

AMANDO MENDEZ

BARANGAY SAN ROQUE

JUDI

JUDI MENDEZ

KAAGAD

KINILALA

LUPAO

MENDEZ

NUEVA ECIJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with