^

Probinsiya

Negosyante dedo sa holdaper

Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Napatay ang 38-anyos na negosyanteng mister habang sugatan naman ang kanyang misis at ang traysikel driver makaraang barilin ng dalawa sa apat na holdaper sa bahagi ng Barangay Guyong, bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon. Naisugod pa sa Mendoza Hospital subalit namatay din si Rodolfo Tafalla habang ginagamot naman ang kanyang asawa na si Jennifer Tafalla, 34, kapwa nakatira sa Barangay Pulong Buhangin; at ang 50-anyos na traysikel drayber na si Edgar Nacianceno na tinamaan ng ligaw na bala ng baril sa kanang hita. Ayon kay PO3 Joey Cabarles, hinarang at hinoldap ng apat na kalalakihang lulan ng dalawang motorsiklo ang trike ng mag-asawa sa kahabaan ng Sta. Maria-Norzagaray National Road. Tinangkang agawin ng mga holdaper ang bag na naglalaman ng P.3-milyon subalit pumalag ang biktima kaya siya niratrat. Boy Cruz

vuukle comment

AYON

BARANGAY GUYONG

BARANGAY PULONG BUHANGIN

BOY CRUZ

EDGAR NACIANCENO

JENNIFER TAFALLA

JOEY CABARLES

MARIA-NORZAGARAY NATIONAL ROAD

MENDOZA HOSPITAL

RODOLFO TAFALLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with