^

Probinsiya

Anak nabaril ng ama, kritikal

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa malubhang kalagayan ang 25-anyos na estudyante matapos itong mabaril ng kanyang ama na nasa impluwensya ng alak sa Brgy. Balangasan, Pagadian City sa Zam­boanga del Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si James Russel Mendez na patuloy na ginagamot sa Borbon Hospital sa tinamong tama ng bala ng cal.45 pistol sa kanang dibdib na naglagos sa kaniyang likuran.

Pinaghahanap naman ang ama nitong si Guillermo Mendez, 51, foreman na tumakas matapos ang insidente.

Nabatid na sinasaway ng biktima ang kanyang amang senglot sa pag-iingay subalit ayaw paawat kaya aksidenteng nakalabit ang gatilyo ng kaniyang baril na sumapul sa biktima.

Sa pag-aakala namang napatay ang anak ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa hindi pa malamang destinasyon.

Isinugod naman sa pagamutan ang biktima habang patuloy naman tinutugis ng pulisya ang suspek.

 

vuukle comment

BALANGASAN

BORBON HOSPITAL

BRGY

GUILLERMO MENDEZ

ISINUGOD

JAMES RUSSEL MENDEZ

KINILALA

NABATID

PAGADIAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with