^

Probinsiya

60-saksak sa misis na pumalag sa rapist

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 25-anyos na misis matapos itong pagsasaksakin sa harap ng tatlong anak ng kanyang kapitbahay na rapist sa Barangay Cabaluay, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng madaling araw.

Nagtamo ng 60-saksak sa katawan ang biktimang si Jenny Rose Apolina­rio ng Purok 5 sa nasa­bing barangay habang pinaghahanap naman ang 27-anyos na suspek na si Arjon Alvarez.

Sa police report na isinumite sa Camp Crame, magkakasamang natutulog ang biktima at ang tatlong anak sa kanilang bahay nang pasukin ng suspek.

Agad na pinaghihipuan sa maselang bahagi ng katawan ang biktima saka tinangkang hubaran subalit nagising at nanlaban ang misis.

Sa gitna ng pampapambuno ng dalawa ay nairita ang suspek sa biktimang pumalag kaya nagawang pagsasaksakin ng 60 beses sa dibdib at tiyan.

Hindi naman idinamay ng suspek ang tatalong anak ng biktima na kasalukuyang nasa trabaho ang mister nito.

Nagawa pang maisugod sa Zamboanga City Medical Center subalit nabigong maisalba ang buhay ng biktima.

vuukle comment

ARJON ALVAREZ

BARANGAY CABALUAY

CAMP CRAME

JENNY ROSE APOLINA

NAGAWA

NAGTAMO

PUROK

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with