^

Probinsiya

3 minasaker ng gun-for-hire gang

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Tatlong miyembro ng pamilya na inakusahang nagbigay ng impormasyon sa pulisya ang minasaker matapos itong pagbabarilin ng gun-for-hire gang sa loob ng kani-kanilang bahay sa Barangay Alongong, bayan ng Libon, Albay kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Felipe Ongog, 60, negosyante; Arnold Ongog, at si Emilda Ongog, 33, mga nakatira sa nasabing barangay.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang grupo ng mga suspek na pinamumunuan ni Gilbert Concepcion ng Barangay Molosbolos sa nabanggit na bayan.

Sa police report na nakara­ting kay P/Senior Supt. Marlo Meneses, naganap ang pamamaslang dakong alas-8:40 ng umaga kung saan magkakasabay na pinasok ng mga suspek ang magkakatabing bahay ng mga biktima.

Kaagad na pinagbabaril ang mga biktima na sinasabing nagbigay ng impormasyon sa mga awtoridad para matunton ang kinaroroonan ang utol ni Gil­bert na si Ramson Concepcion.

Sa tala ng pulisya, si Ramson ay most wanted sa kasong murder at napatay ito matapos makipagbarilan sa mga operatiba ng pulisya noong Huwebes (Nov. 27)

Ang grupo rin ni Gilbert ang pangunahing suspek sa pamamaslang kay Engr. Nelson Morales at pagmasaker sa pamilya Sasota.

vuukle comment

ARNOLD ONGOG

BARANGAY ALONGONG

BARANGAY MOLOSBOLOS

EMILDA ONGOG

FELIPE ONGOG

GILBERT CONCEPCION

MARLO MENESES

NELSON MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with