^

Probinsiya

Kalaguyo ni misis dinedo ng mister

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang matinding panibugho at selos kaya napaslang ng security guard ang kalaguyo ng kanyang misis sa loob ng karinderya sa Barangay Paliparan 3, Dasmariñas, Cavite kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril ang biktimang si Lorenzo Arellano, 50, ng Blk 126 Lot 26 Phase 4 sa nabanggit na barangay.

Arestado naman ang suspek na si Julian Gagarin 51, security guard, at naka­tira sa Block 15 Lot 7 Phase 3 sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni P01 Elmer Belaro, lumilitaw na nag-iinuman sa Lhynn’s Carinderia ang magkalaguyo nang biglang duma­ting ang suspek.

Sumiklab ang mainit na komprontasyon sa pagitan ng dalawa hanggang sa ratratin ng suspek ang lover ng kanyang miss.

Nabatid na bago maganap ang insidente ay binalaan ng suspek ang biktima subalit ipinagpatuloy pa rin nito ang makamundong relasyon.

vuukle comment

ARESTADO

BARANGAY PALIPARAN

CARINDERIA

CAVITE

DASMARI

ELMER BELARO

JULIAN GAGARIN

LORENZO ARELLANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with