^

Probinsiya

Ate sinalo ang kamatayan para sa utol

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang 32-anyos na ate matapos nitong saluhin ang taga para sa nakababatang kapatid na lalaki habang sugatan naman ang kaniyang ina sa pananaga ng isang nag-amok na mister sa Barangay Lapaz, Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng umaga.

Napuruhan sa tiyan ang biktimang si Rica Esteban habang ginagamot naman sa ospital ang sugatang kapatid nitong si Julius Esteban at ang ina na si Aida Esteban, 58, habang nasakote naman ang suspek na si Winston Loba, 40.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagwala ang suspek kung saan hinamon ng suntukan si Julius subalit hindi kumasa kaya tinangkang tagain nito subalit naagapan naman ng kanyang ate kaya ito ang napuruhan sa ulo.

Pinagdiskitahan din ng suspek na pagtatagain ang ina at kapatid ng biktima saka mabilis na tumakas pero nasakote rin ng mga operatiba ng pulisya.

 

vuukle comment

AIDA ESTEBAN

BARANGAY LAPAZ

CAMP CRAME

JULIUS ESTEBAN

NAGBUWIS

NAPURUHAN

PINAGDISKITAHAN

RICA ESTEBAN

WINSTON LOBA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with