^

Probinsiya

Holdapan: Pawnshop appraiser dedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Quezon, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang 35-anyos na pawnshop appraiser matapos itong barilin ng isa sa dalawang di-kilalang lalaki sa naganap na holdapan sa loob ng pampasaherong jeepney sa Barangay Cotta, Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon. Nagtamo ng mga tama ng bala ng cal. 45 pistol ang biktimang si Jeneffer Aquino ng St. Jude Village, Purok Tulungan sa nasabing barangay. Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Allen Rae Co, hinarang ng riding-in-tandem holdaper ang sinasakyang jeepney ng biktima saka nagdeklara  ng holdap. Gayon pa man, pumalag ang biktima dahil sa tangkang kunin ang kanyang bag pero nairita ang isa sa holdaper kaya binoga ito. Kaagad na tumakas ang mga holdaper sakay ng motorsiklo.

vuukle comment

ALLEN RAE CO

BARANGAY COTTA

GAYON

JENEFFER AQUINO

KAAGAD

LUCENA CITY

NAGTAMO

PUROK TULUNGAN

QUEZON

ST. JUDE VILLAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with