^

Probinsiya

2 tinedyer dedo sa pamamaril ng kagawad

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dalawang tinedyer na babae ang napatay habang anim naman ang nasugatan matapos na mamamaril ang isang barangay kagawad sa peryahan sa Barangay Pob­lacion, bayan ng Libacao, Aklan kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng tama ng bala ng shotgun sa ulo ang mga biktimang sina Antolina Ricablanca, 16; at Sarah Kaye Viray, 14, habang isinugod naman sa Aklan Provincial Hospital ang mga suga­tang sina Gilda Nalangan, 37; Clerey Javier,18; Jay-R Agudez, 21; Ariel Idala, 17; at si Kaycee Sapatos, 14.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Kagawad Jonathan Felix na itinurong nagpaputok ng baril sa kasagsagan ng selebras­yon ng piyesta sa nasabing barangay.

Sa ulat ni P/Insp. Jerick Vargas, hepe ng Libacao PNP na isinumite sa Camp Crame, nabatid na kinompronta ng suspek si Agudez kaugnay ng alitan ng kanilang pamilya sa ubusan ng lahi bunga ng nakawan ng alagang hayop partikular na ang kalabaw.

Sa gitna ng pagtatalo ay bigla na lamang pinaputukan ng suspek si Agudez na nasa malubhang kalagayan ngayon.

iIang beses ding nagpaputok ang suspek kaya tinamaan ang mga biktimang naglalaro sa peryahan kung saan napatay sina Ricablanca at Viray.

vuukle comment

AGUDEZ

AKLAN PROVINCIAL HOSPITAL

ANTOLINA RICABLANCA

ARIEL IDALA

BARANGAY POB

CAMP CRAME

CLEREY JAVIER

GILDA NALANGAN

JAY-R AGUDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with